Sa Ano Nabubuhay Ang Tao

Sa Ano Nabubuhay Ang Tao
What Men Live By

By

5
(1 Review)
Sa Ano Nabubuhay Ang Tao by graf Tolstoy Leo

Published:

1881

Pages:

42

Downloads:

3,625

Share This

Sa Ano Nabubuhay Ang Tao
What Men Live By

By

5
(1 Review)
Translated by Sofronio G. Calderon

Book Excerpt

kusina.

Nag-alis ng balabal ang di kilala, isinuot ang baro at nahiga sa bangko. Pinatay ni Matrena ang ilaw at sinunggaban ang balabal at nahiga sa silid sa siping ni Semel; ginamit ang balabal nguni't hindi makatulog; ang sumasaulo niya ay yaon di kilala at saka kanyang naiisip na naubos ang lahat ng tinapay na nalabi at wala silang makakain sa kinabukasan. Naibigay pa ang baro at salawal ni Semel; siya'y namamanlaw at hindi mapalagay. Nguni't sa pagkaalala niya ng ngiti niyaong taong hindi kilala ay nasiyahan ang kanyang loob. Maluwat-luwat na di nakatulog si Matrena. Si Semel man ay hindi rin makatulog at namimilipit sa balabal.

--Semel!

--Ay!

--Ating naubos ang lahat ng tinapay. Hindi ako nagtinapay ngayon. Anong gagawin natin bukas? Manghihiram ba kaya ako kay Melania ng ating makakain bukas?

--Bahala na. Hindi magkukulang ng pagkain.

Sandaling napatahimik.

--Tila mabuti ang taong ito.

--Bakit kaya ayaw magsabi kung sino siya?

--Walang salang siya'y pinagbabawalan.

--Semel

FREE EBOOKS AND DEALS

(view all)

More books by graf Tolstoy Leo

(view all)

Readers reviews

5
4
3
2
1
5.0
Average from 1 Review
5
Write Review
Sofronio Calderon writes an excellent translation to Leo Tolstoy's
"What Men Live By" written in 1881. A tale of spiritual discovery by a
couple who brings in a lost man from the cold.

Isang mahusay na salin ni Sofronio Calderon sa libro ni Leo
Tolstoy na pinamagatang "Sa Ano Nabubuhay Ang Tao" na isinulat noon 1881.

Ang di inaasahang pagkakakupkop ng mag asawa sa isang mahiwagang lalaki
ay siyang naging paraan upang kanilang matuklasan ang karunungang espiritual.